Nagsimulang
tumugtog ang kanta.
Isa,
dalawa, tatlo
Tayo’y
nagsimulang magbilang
at sabay
nating
hinakbang
ang kalawakan
Nilibot
natin ang daigdig.
Ramdam ng
mga bituin ang bawat galaw
Sinabayan
ng hangin ang bawat pag-ikot
At
pinanood tayo ng buwan
habang tayo’y gumagawa
habang tayo’y gumagawa
ng mga
panibagong ala-ala
Nagkasabay
ang ating mga paa
Sa tibok
ng ating puso
Sa tinig
ng tadhana
Pinakinggan
mo ako.
Pinakinggan
mo ang bawat pagtawa,
Pag-iyak,
Ang aking
mga ikinakatuwa, at
Ang mga
kinakatakutan.
Nagtiwala
ako sa iyo.
Ang kulay lila
na nakabalot sa ating mundo
ang siyang naging paalala sakin
na mahal mo ako.
Ang kulay lila
na nakabalot sa ating mundo
ang siyang naging paalala sakin
na mahal mo ako.
Dahil
sinabi mo sa akin na
Mahal mo
ako
Hindi ito
yung mahal na naririnig lang kung kani-kanino
Ito yung
mahal na alam kong totoo,
Ang mahal
na makikinig sa boses ko
Ikaw ang
naging takbuhan
Kapag ang
mundo ay nagiging palaban
Ang iyong boses ang naging tahanan
Sa mata at ngiti mo nakahanap ng kanlungan
Panaginip lang ba 'to?
Panaginip lang ba 'to?
Sana ay
‘di na lang nagising
Kung
hanggang sa panaginip lang pala kita
Maisasayaw