*Credits for the owner of the sketch. Got it from pinterest hehe*
SI NAGUGULUHAN AT SI KAMATAYAN
Naguguluhan:
Nandito ako ngayon nakatayo,
nag-iisip dahil maraming katanungan sa niloob ko
Hindi mapalagay dahil sa ideyang,
"kung may ginawa ba ako, magbabago ang takbo ng buhay ko?"
Kamatayan:
Nakita ko siya sa kanyang mundo
Sa ilalalim ng dagat ng mga talang animo'y nagmistulang arkipelago
Sa kumot ng mga ulap at bumubulong na hangin
Mga kuwentong gustong kumawala sa pusong sugat-sugat na kaya't gusto nang lisanin.
Naguguluhan:
Nagkuwento ako tungkol sa sikreto ng aking nakaraan
Sinagot ko lahat ng mga katanungan
Simula sa mga paano, sino, kailan, at kung saan
Ang masasaya at malulungkot na pinagdaanan
Kamatayan:
Masaya ka nga ba?
Nakakahanap ka ba talaga dito ng kaligayahan?
Naguguluhan:
Sa totoo lang,
Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman.
Kamatayan:
Mayroon nga bang matatagpuang kaligayahan sa mundong ito?
Mayroon nga ba talagang matatagpuang kaligayahan sa mundong ito?
Noong narinig ko ang iyong mga kuwento
Naisip ko
Na hindi mo kailangan ng mga matatamis na mga salita galing sa aking bibig
O kaya ang mga salitang nakakakilig
Alam ko na ang kailangan mo ay mga balikat para sa iyong pag-iyak
At mga kamay na hahaplos sa iyong likuran para sa iyong pagtahan.
Kailangan mo ng kasama.
Kaya't tara
Hawakan mo ang aking kamay
At itatakas kita sa kaguluhan ng mundong ito.
Magtiwala ka.
Naguguluhan:
Matagal-tagal na rin pala simula noong
isinuko ko ang sarili ko sa tadhana.
Tinanggap ko ang alok at hindi ako nagsisisi.
Sa ngayon, marami akong nakikitang mga taong naninirahan lamang
Sa kanilang kaloob-looban habang sila ay sugatan.
Tandaan mo na hindi lahat ng sugatan ay tama ang pinaglalaban.
Ngayon, may digmaang nangyayari sa isip at puso mo.
Ikuwento mo sa akin, at ako naman ang makikinig sa'yo.
Kamatayan:
Ikuwento mo sa kanya, at siya naman ang makikinig sa'yo.
*Note/Clarifications: This poem is in connection to Emily Dickinson's "Because I Could Not Stop For Death". We were asked to read and understand it, then make any creative work or output for our presentation on how we understood the text. The poem that I came up with is about a girl who's confused with life and is suicidal, and Death is personified and represented as the girl's friend in our poem. In Dickinson's poem, Death was also personified but in a way that Death is a gentleman, fetching her and bring her to after life. In the end of my poem, the girl realizes that it was such a long time that she went with her friend, Death, and that she's not regretting her decision.
0 Comments