Instrumento

By Veejay Detablan - 8:04:00 AM


INSTRUMENTO
Kung ako man ay iyong tanungin kung sa anong instrumento kita maihahambing
Ang masasabi ko siguro ay ikaw ay ang aking pyano


Bakit nga ba pyano?


Balikan natin ang nakaraan, kung saan ako'y bata pa lamang
Unang sulyap pa lang sa gitarang aking natanaw ay labis na itong pinangarap
Kaso sabi ni nanay, "iha, ang gusto kong tugtugin mo ay ang pyano"
Kahit na um-oo ako, sinabi ko sa sarili ko na hindi para sa akin'to


Bakit nga ba pyano?


Naaalala mo pa ba noong nasa iisang eskwelahan pa tayo nag-aaral
Noong araw na pinagtawanan mo ako sa harap ng taong pinapangarap kong maging aking prinsipe
Noong araw na pinagsabihan mo ako na tumahimik kahit ikaw ang sinabihan ng titser na ikaw ang tumahimik
Nakakatawa mang isipin dahil alam kong iyon ay nasa nakaraan na pero nang dahil sa'yo, pinanghinaan ako ng loob
Sabi ng nanay, "iha, kayanin mo, para sa iyong pangarap"
Kahit na um-oo ako, sinabi ko sa sarili ko na kakayanin ko


Bakit nga ba pyano?


Ilang taon ang lumipas
Nagsumikap ako nang magsumikap
Tumugtog ako nang tumugtog
Hanggang sa natuto kong mahalin ang pagpindot ng bawat puti at itim na mga piyesa na nakalapat sa aking harapan
Ito na pala ang matagal kong inaasam

Sa ikinahaba-haba ng panahon, nakita kita muli
At sa ilang segundo na 'yun,
May katiting ka man lang bang muwang kung ilang walang kamalayang sandali ng buhay ko ang kinuha mo?
Naka-ilang subok na ba akong hanapin ang gusto ko, ngunit hindi ko handang makita?
Oh sa ibang salita'y, naka-ilang subok na ba akong hanapin ang gusto kong maramdaman, ngunit hindi ko handang panghawakan?
Ang mga sakit, tuwa, ang mga pagtawa at mga pag-iyak na kalakip nito?
Ito na ba ang matagal ko nang ipinanalangin at ninanais sa mga bituin?

Nakakatawang isipin na ikaw agad ang naihalintulad ko dito

Kabog ng dibdib
Mga lihim na pagtingin
Ang damdaming patuloy na umaagos
Iba pala talaga ang pakiramdam nang matangpuan mo na ang iyong matagal nang hinahanap na pangarap.

Sa wakas, nagawa ko.
At hanggang sa wakas, nang dahil sa'yo.


(Wrote this suppose-to-be spoken word poetry waaaay back, like months ago maybe, but I just finished it tonight. I actually don't feel right 'cause I think that it's lacking, but hey, it's my original, I should be proud of it right? :D Hooray I'm back to writing!)

  • Share:

You Might Also Like

0 Comments