Sayaw sa Panaginip

By Veejay Detablan - 9:56:00 AM





Nagsimulang tumugtog ang kanta.



Isa, dalawa, tatlo
Tayo’y nagsimulang magbilang
at sabay nating
hinakbang ang kalawakan


Nilibot natin ang daigdig.


Ramdam ng mga bituin ang bawat galaw
Sinabayan ng hangin ang bawat pag-ikot
At pinanood tayo ng buwan
habang tayo’y gumagawa
ng mga panibagong ala-ala


Nagkasabay ang ating mga paa
Sa tibok ng ating puso
Sa tinig ng tadhana





Pinakinggan mo ako.


Pinakinggan mo ang bawat pagtawa,
Pag-iyak,
Ang aking mga ikinakatuwa, at
Ang mga kinakatakutan.






Nagtiwala ako sa iyo.


Ang kulay lila
na nakabalot sa ating mundo
ang siyang naging paalala sakin
na mahal mo ako.


Dahil sinabi mo sa akin na
Mahal mo ako
Hindi ito yung mahal na naririnig lang kung kani-kanino
Ito yung mahal na alam kong totoo,
Ang mahal na makikinig sa boses ko



Ikaw ang naging takbuhan
Kapag ang mundo ay nagiging palaban
Ang iyong boses ang naging tahanan
Sa mata at ngiti mo nakahanap ng kanlungan






Panaginip lang ba 'to?












Sana ay ‘di na lang nagising
Kung hanggang sa panaginip lang pala kita
Maisasayaw

  • Share:

You Might Also Like

0 Comments