HULING BESES
Ang sakit isipin na
hindi ako ang sinisigaw ng puso mo
Ngunit hanggang ngayon’y
Nagpapakatanga, nagpapakabaliw
Dahil ang sinisigaw nitong puso ko ay
Ikaw pa rin giliw
Pati sa isipan, ikaw pa rin ang tumatakbo
Kahit ang aking puso ay tumitibok para lang sa iyo
Nanghihinayang na ako sa mga nasayang na oras
Sa kakaisip sa’yo sa nakaraan
Ngunit heto, binabalewala ang kasalukuyan
Paano ako uusad patungong kinabukasan
kung inuulit ulit ko na lamang sa aking sarili
ang salitang “sayang”?
Pangako
ito na ang huling beses na titignan kita
Galing sa malayo
Na may ningning sa’king mga mata
Pangako
Ito na ang huling beses na aasa ako
Sa’yo
Pangako
Ito na ang huling beses na iiyak ako
Nang dahil sa’yo
Ito na ang huling beses
0 Comments