Paalam 2015

By Veejay Detablan - 11:45:00 PM

PAALAM 2015

Paalam sa mga luhang aking iniyak at mga basang unan na aking tinulugan. 

Paalam sa mga taong sinubukang hilahin ako pababa. 

Paalam sa mga hinanakit na aking naramdam dahil sa mga walang kuwentang tao na akala ko ay nasa aking tabi 
pero yun pala may mga pinagsasabi na sa aking likuran. 

Paalam sa mga pagkakamali na aking pinagsisihan. 

Paalam sa mga kaibigang akala ko'y kaibigan ko talaga pero tinalikuran ako noong oras na naghihinagpis ako.

Paalam sa mga masasakit na alaala.

Paalam sa mga paghihirap na aking dinanas.

Paalam sa mga taong nangiwan sa akin sa ere.

Paalam sa mga matatamis na araw na naging mapait nang dahil sa'yo

Oo, sa'yo

Pero ngayong darating na taon

'Di na ikaw ang bida sa palabas na 'to

Ayaw ko nang mahirapan

Ako na ang magiging bida sa aking sariling palabas.

  • Share:

You Might Also Like

0 Comments