Fan ka lang?

By Veejay Detablan - 9:17:00 PM


FAN KA LANG?

fan·girl
/ˈfanɡərl/
noun. an obsessive female fan (usually of movies, artists, music, etc.)

   Naranasan mo na bang magmahal ng sobra? 
   ‘Yung tipong, siya na yung lagi mong inuuna? 
   Siya yung lagi mong inaabangan? 
   Siya yung lagi mong iniisip? 
   Siya yung lagi mong bukambibig? 
   Siya yung lagi mong hinahanap? 
   Siya, siya, siya. Puro na lang siya, kahit alam mo sa sarili mo na ayaw mo na, na gusto mo nang bumitaw, dahil alam mo naman sa sarili mo na walang pag-asa, pero hala, sige, push pa.

            Siguro, binabasa mo ‘to ngayon dahil isa ka sa mga tulad ko. Umiidulo na lang nga, napamahal pa. Ang hirap, ano? Kahit ramdam na ramdam mo yung pagka-marahuyo, alam mong masakit pa rin. Masakit kasi alam mong wala kang karapatang masaktan. Alam mo sa sarili mo na hanggang fan ka lang. Minsan sinasabi mo sa sarili mo na marinig ka niya sanang sabihan mo siya ng, “Sana naging hangin na lang ako, para kahit saan ka mang sulok ay malipad ko makita ka lang.” Corny mang pakinggan, eh parehas lang naman ang pagkakaroon ng boyfriend at ang pagiging fan, ‘di ba? Mas malala pa nga ‘yung pagiging fan dahil ‘di mo talaga nakakasama yung “boyfriend” mo eh.

            Pero ito ah, ‘di dahil mabait siya sa’yo-- nireplyan ka sa twitter, ni-like at ni-retweet ang tweet mo, inaaccept ang friend request mo, sobrang approachable sa mga meet and greets, o kung anu-ano pa man—ay ibig sabihin na may pag-asa ka sa kanya. Isa ‘to sa maraming natutunan ko sa pagiging isang fan. Huwag na huwag kang magpapaapekto. Darating at darating sa punto na magkaka-girlfriend rin ‘yan. Nasaktan ka dahil may mahal na siya? Dear, respect his decision. Isa kang taga-suporta at taga-hanga, hindi isang babaeng nakapila para sa kanya dahil baka sakaling ikaw ang piliin niya. Para mo na ring sinasabi na naghihintay ka ng ulan sa disyerto. Accept the fact that the fangirl life isn’t like that. Trabaho ang pagiging fangirl, hindi isang fairytale. Kung ikaw man ang mapili niyang mahalin, aba’y sobrang swerte mo dahil 0.00000001% out of 100% ‘yan puwede mangyari sa buhay ng isang babae (pero siyempre, joke lang. ‘Di naman 0.00000001%. Siguro mga 0.000001%. ½ joke)

            Darating rin at darating ang lalaki na para sa’yo talaga balang araw. You just have to wait. ‘Di mo alam kung sinu-sinong lalaki diyan ang naghahanap ng isang prinsesang kagaya mo. Kaso yun nga, siya ‘tong nakatitig sa’yo, nakatitig ka naman sa iba na ‘di ka man lang kilala. Maybe you’ll say “Who cares, I love him, ilang years na niya ako fan e” or “I didn’t choose the fangirl life; the fangirl life chose me,” ang tanong, mahal ka rin nga ba? Tadhana nga ba kung bakit ka niya fan? Panahon nga ba talaga ang pinapairal para malaman kung mahal mo siya o hindi? Oo, mahal ka as a fan, pero para sa’yo ‘di mo siya mahal as an idol e. Mahal mo siya more than an idol

            Hindi masama magmahal, pero kung sumosobra na, honey, you’re a princess, you’re the one who’s supposed to be bowed to.

            Your love story might not be a fairytale, but remember who’s writing your story,


            it’s Him—your Father, Friend, Brother, and everything else.

  • Share:

You Might Also Like

0 Comments