BINALEWALA
Gusto kong magkuwento ka sa akin
kung ano ang nangyari
nang 'di mo sa akin sinasabi
kung gaano ka nasaktan,
kung gaano ka nawasak,
at kung paano ka natisod
at tuluyan nang nadapa at nahulog.
Gusto kong makita
na numiningning muli
ang iyong mga mata
tuwing ikaw ay makakausap
at makakaharap.
Gusto kong makita ka ng malaya,
na walang hinanakit kung kanino man,
lalo na sa kanya.
Gusto kong masabi mo na
kaya mo naman pala
kahit wala siya.
Gusto kong marinig na
maayos ka na,
na hindi mo na siya iniisip,
na alam mo na sa sarili mo na
hanggang doon lang talaga--
kaibigan lang pala.
Gusto kong magsulat ka,
pero hindi na tungkol sa kanya--
hindi na siya ang iyong tula.
Gusto kong masabi mo na
hindi na sa kanya ang kamay
na iyong kakapitan.
Gusto kong pagkahawak na pagkahawak mo ng panulat,
hindi na siya ang walang humpay na tumatakbo sa iyong isipan.
Bakit ka nagsusulat? Tanong nila.
Para maihandog ang pag-ibig na karapat-dapat para sa iba, sagot ko.
Para maipakita na sarili ko naman
ang aking mamahalin, sabi ko.
Para kunin ko ulit pabalik ang pagmamahal na ibinihos para sa kanya, paliwanag ko.
sapagkat wala siyang balak tanggapin ito
0 Comments