ULAN
Ba’t ba napakamisteryoso ng ulan?
Ang pagmamahal rin daw, parang ulan.
Bakit?
‘Pag nagmahal ba, mababasa ka?
‘Pag nagmahal ba, magsisilabasan ang mga palaka?
Ang ulan,
Bigla-bigla na lang dumadating nang ‘di mo namamalayan.
Minsan naman,
Ang ulan,
nagbibigay ng sinyales kung paparating na.
Ang ulan,
Puwede mong maramdaman,
pero ‘di puwedeng pigilan.
Sa ulan, puwedeng puwedeng magsaya.
Pero kung kalian na sayang-saya ka na,
saka ito titila at mawawala.
Sana,
Sana lang talaga,
lagi na lang umulan.
Para walang humpay ang ating samahan
At magtagal pa ang ating pagmamahalan.
*wrote this 2 years ago when I was still in junior year, got to write this when I saw my parents' picture when they were dancing ballroom hihi
0 Comments